
Nagtipon ang law enforcement agencies ng Region XI upang pagkaisahin ang kanilang pagsisikap sa prosecution, imbestigasyon at pagbuo ng mga kaso laban sa smuggling.
Pinangunahan ng Bureau of Customs, Collection District XII ang talakayan sa Customshouse nito sa Sasa, Davao City, bilang bahagi ng priority agenda ni Commissioner Bienvenido Rubio upang masugpo ang smuggling.
Naging highlight sa pagpulong ang pagtitiyak sa legal procedures at compliances para sa pagbuo ng solid case laban sa mga smugglers.
Dinaluhan ang meeting ng regional heads at representatives mula sa Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang law enforcement agency.
More Stories
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes