November 3, 2024

LABAN NI CANELO ALVAREZ SA SETYEMBRE, HALOS ‘DONE DEAL’ NA

Lumilinaw at may posibilidad na muling makatuntong sa boxing ring si Saul ‘Canelo’ Alvarez na nakatakda sa Setyembre 16. Ang maganda rito, maaaring mapanood ng fans ang kanyang laban.

Sapol noong Nobyembre 2019, hindi na nasuntok sa lona ang 29-anyos na Mexican boxing superstar buhat nang magpalit siya ng dibisyon; mula middleweight at tumuntong siya sa light- heavyweight.

Huli niyang nakalaban si Sergey Kovalev kung saan nahablot niya ang WBO light-heavyweight.

Nakatakda sanang lumaban  si Alvarez kontra kay super-middleweight champion Billy Joe Saunders sa Las Vegas. Subalit, naudlot ito nang kumalat ang coronavirus pandemic.

Gayunman, inihayag ng promoter na si Oscar De La Hoya ang tungkol sa muling pagsuntok ni Alvarez sa lona; at ang negosasyon dito ay halos pinal na.

I wanted to create another holiday for boxing,” ani ng tinaguriang “The Golden Boy’.


 “We started with Cinco de Mayo, which has become the date for the sport, and then you have September 16th.We’re looking forward to it with a fight with Canelo, which we’re still working on.

It’s exhilarating, and we’re close to getting a deal done.”

We have to figure out the crowds, and figure if we’re going to go to Las Vegas, New York or Texas.We have to figure out the capacity. Are we going to have 50 per cent capacity, or are we going to have 25 per cent capacity? It all depends on the various commission sin in every state,” dagdag pa ng boxing promoter.

Isa pa rin si Saunders a napipisil na ilaban kay Canelo. Subalit, may kinaharap itong problema sa kanyang lisensiya na sinuspende ng British Board dahil sa kontrobersiyal na video.

Gayunman, maaaring makapagsumite ng lisensiya ang 30-anyos na si Saunders sa America upang mabigyan siya ng pagkakataong lumaban kay Alvarez.

Kung hindi uubra, nakahilira naman na ilaban kay Canelo sinaAnthony Dirrell at Sergiy Derevyanchenko na natalo kay Gennady Golovkin noong nakaraang taon.