November 2, 2024

LA NIÑA, PARATING NA, JUAN DE LA CRUZ, MAGHANDA KA!

Matinding pag-ulan ang mararanasan ng bansa sa susunod na buwan dahil sa pagrekta ng La Niña phenomenon. Ibig sabihin, makararanas ng above-normal rainfall conditions ang ilang lugar sa bansa.


Ayon sa Philippine Atmosphreric, Geopphysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tatagal ito hanggang first quarter ng taong 2022. Kaya, nagpaalala na ang ahensiya na paghandaan ang perwisyong hatid ng La Niña. Lalo na ang mga pagbaha, land at mud slide.


Hindi biro ang perwisyong hatid nito. Dahil maaapektuhan nito ang normal na pamumuhay ng mga tao. Heto’t lumalaban pa tayo sa COVID-19, apos sasabayan pa ng LN, aba’y baka malumpo si Juan De La Cruz.


Sa halip na magbangayan ang ating mga politiko, dahil ang iniisip ay ang 2022 elections na, ito ang dapat paghandaan. Mag-isip ng kongkretong solusyon. Para naman sa taumbayan, get ready na. Ayusin ang dapat ayusin sa bahay. Maghanda na rin ang local na pamahalaan at mga barangay. Ihanda ang pagkain, kanlunga o evacuation centers para sa mga bakwit.