November 24, 2024

LA County Sheriff, idinemanda ni Vanessa Bryant dahil sa kumalat na helicopter crash photos ni Kobe

LOS ANGELES — Nagfile ng demanda ang asawa ni Lakers star Kobe Bryant na si Vanessa laban sa Los Angeles County sheriff.

Ayon kay Vanessa, ikinalat ng deputies ang unauthorized photos ng bumagsak na helicopter. Na naging dahilan ng pagkasawi ng kanyang mister.Gayundin ng 13-anyos nilang anak na si Gianna at ng 7 katao.

Makalipas kasi ng Jan.26 crash, napaulat na kumalat ang graphic photos ng mga biktima. Labis itong ikinagulat at ikinadismaya ni Vanessa.

Kabilang sa suit ang damages for negligence, invasion of privacy and intentional infliction of emotional distress.

Sinabi naman ni Sheriff Alex Villanueva sa media— na walong deputies ang kumuha at nag-shared ng graphic photos.

Sinabi nitong alisin na ang mga larawan. Ngunit, nananatli pa rin ang mga iyon na siyang ikinagalit ni Vanessa.

Aniya, may policy ang department laban sa taking at sharing ng crime scene photos. Ngunit, hindi umano ito aplikaple sa accident scenes.

 “That was my No. 1 priority, was to make sure those photos no longer exist,” ani Villanueva sa NBC News.

We identified the deputies involved, they came to the station on their own and had admitted they had taken them and they had deleted them. And we’re content that those involved did that,” aniya.

Nag-filed din ng lawsuit si Vanessa sa piloto ng helicopter na si Ara Zobayan. Aniya, naging careless ito. Ito’y bunsod na kahit mahamog ang himpapawid ay nagpasya pa rin si Zobayan na ituloy ang flight. Sa halip na hindi dapat ito ituloy dahil napaka-delikado.