January 24, 2025

LA Clippers, turit sa Dallas Mavericks, serye naitabla sa 1-1

Nakabawi ang Dallas Mavericks sa Los Angeles Clippers, 127-114 sa Game 2 ng Western Conference playoffs first round.

Dahil dito, table na rin ang serye, 1-1 sa match-up nila sa Western Conference. Nanguna si Luka Doncic sa Dallas sa pagbuslo ng 28 points, 8 boards at 7 assists.


Joe Murphy/NBAE via Getty Image

Nag-ambag naman ng 23 puntos, 7 boards at1 block si Kristaps Porzingis.  

Samantala, nanguna si Kawhi Leonard sa Clippers sa pagbuslo ng 35 points, 10 boards at 2 assists. Nagtala naman si Lou Williams ng 23, 4 rebounds at 67 assists.

Sa pagtunog pa lamang ng buzzer sa unang kwarter ng laro, iniwan na ng Mavs ang Clippers.Rumehistro ng 15-2 run ang Dallas, dahilan upang tumawag ng time-out ng Clippers sa 7:24 ng laro.

Mula rito, inalagaan ng husto ng Mavs ang kalamangan. Kahit mahagyang nakahahabol ang Clippers, naging epektibo ang kanilang depensa at opensa.

Narito ang buong stats ng Dallas-Clippers game

DAL:Luka Doncic: 28 Pts. 8 Rebs. 7 Asts. Kristaps Porzingis: 23 Pts. 7 Rebs. 1 Blks. Tim Hardaway Jr.: 17 Pts. 2 Rebs. 3 Asts. 1 Stls.Trey Burke: 16 Pts. 3 Rebs. 2 Asts. 2 Stls. 1 Blks. Seth Curry: 15 Pts. 3 Rebs. 3 Asts.

LAC:Kawhi Leonard: 35 Pts. 10 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. Lou Williams: 23 Pts. 4 Rebs. 7 Asts. 1 Stls. Marcus Morris: 14 Pts. 8 Rebs. 2 Asts. 2 Stls. Paul George: 14 Pts. 10 Rebs. 2 Asts. 1 Blks.