December 24, 2024

Kyrie Irving, pinagmulta ng $25,000 dahil sa paglabag sa media access rules

Tila hindi pinagsisisihan ni Brooklyn Nets guard Kyrie Irving ang nagawang violation of league media access rules.

Katunayan, inihayag niya ang saloobin sa kanyang Instragram post. Pinagmulta ng $25,000 ng NBA ang Nets dahil sa paglabag.

 “ I pray we utilize the ‘fine money’ for the marginalized communities in need, especially seeing where our world is presently,” saad ng six-time All-Star point guard  sa Instagram.  Malcolm X.

“(I am) I am here for Peace, Love, and Greatness. So stop distracting me and my team, and appreciate the Art. We move different over here.”

Ang multa ay dahil sa pagtanggi ni Irving sa ilang okasyon upang makipag-participate sa team sa media availability.

Hindi nakikipag-usap si Irving sa reporters sa NBA pre-season build-up. Gayung may laro sila sa Linggo sa balwarte nila laban sa Washington Wizards.

Sa halip, naglabas ng statement si Irving sa mga reporters. Na ang mensahe niya ay malinaw naman para sa media.

 “My goal this season is to let my work on and off the court speak for itself. Life hit differently this year and it requires us, it requires me, to move differently. So, this is the beginning of that change,” aniya.