Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 na may temang Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan, naglaan ang Komisyon sa Wikang Filipino ng PHP30,000.00 sa tatanghaling KWF Mananaysay ng Taón 2023 para sa Sanaysay ng Taón, ang taunang timpalak ng KWF na naglalayong himukin ang mga natatanging mananaysay ng bansa na ilahok ang kanilang mga akda.
Bukás ang timpalak sa lahat ng Pilipino, babae man o laláki, maliban sa mga kawani ng KWF at kaniláng kaanak.
Ang paksâ ng sanaysay ay tungkol sa sosyolingguwistikong interaksiyonal na pagdalumat sa mga katutubong wika ng Pilipinas na naghahain ng mapananaligang pag-aanalisa tungong modernisasyong pangwika.
Para sa kompletong deltaye, bumisita sa kwf.gov.ph o mag-text o tumawag sa 0928-844-1349, o mag-email sa [email protected].
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag