NASA kritikal na kondisyon ang isang 17-anyos matapos pagtulungan pagsasaksakin ng dalawang binatilyo makaraan ang mainitang pagtatalo sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.
Si Mico, hindi tunay na pangalan ay isinugod ng kanyang mga kaanak sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, nadakip naman sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/SSgt. Mar Arrobang ang mga suspek na edad 14 at 16-anyos subalit, hindi narekober ang ginamit na patalim sa pananaksak sa biktima.
Sa nakalap na ulat kay Col. Balasabas, alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Blk 29, Phase 2 Area 1 Brgy. NBBS, Dagat-dagatan matapos komprontahin ng biktima ang mga suspek hinggil pagbabanta ng mga ito na natanggap ng kanyang nakababatang kapatid.
Nauwi sila sa mainitang pagtatalo hanggang sa maglabas ng patalim ang mga suspek at pinagtulungan saksakin ang biktima.
Pansamantalang nasa ilalim ng pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga suspek habang nakabinbin ang kanilang presentation sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY