
IBA talaga ang nagagawa ng lingkod ng Diyos sa mga taong kanyang natulungan, iyong pagiging Mr. Public Service ni Kuya Daniel Razon, malaking kontribusyon ang kanyang nagawa sa broadcast industry.
Iyong kanyang serbisyo sa mga tao ginagawa niya iyon ng walang kapalit, tumutulong sila kahit hindi maging kaanib ng kanilang relihiyon ang mga taong kanilang nabibigyan ng munting serbisyo.
“Masaya ho si Kuya Daniel Razon, dahil iyong serbisyong ibinibigay niya sa kanyang kapwa ay pinahahalagahan ng Movie Writers Welfare Foundation at ng Rotary Club of Intramuros.
“Kung tutuusin hindi naman siya tumutulong at ibinibigay ang kusang serbisyo niya sa kapwa para mapansin o mapag-usapan. Ginagawa niya iyon dahil iyon ang inuutos ng Diyos sa kanila, pero laki ng kanyang pasasalamat sa mga nagbigay sa kanya ng nasabing award,” chika pa sa akin ng aking source.
More Stories
₱200 DAGDAG-SAHOD LUSOT SA KAMARA
₱450K HALAGA NG HIGH-GRADE MARIJUANA NASAMSAM SA MARIKINA
DEPED, NANAWAGAN NG MAS MARAMING VOLUNTEERS SA BRIGADA ESKWELA 2025