KINAALIWAN ng netizens hindi lang sa TikTok kundi sa Facebook at Youtube ang “Kuwentong May Kuwenta” video ng komedyanteng si Long Mejia at Atty. Caroline Cruz ng Pitmaster Foundation.
Mapapanood sa video ang kulitan ng dalawa kung saan sa umpisa pa lamang ay matatawa ka na talaga matapos magpanggap si Long na isang abogado na tumutulong sa ating mga kababayan nang biglang dumating si Atty. Cruz.
“Akala ko nawalan na ko ng trabaho rito,” ayon kay Atty. Cruz.
Sa mga sumunod na tagpo, naging seryoso na ang kwentuhan na may halo pa ring kulitan ang dalawa nang magkaroon ng tanunang portion kaugnay sa ginagawang tuloy-tuloy na pagtulong ng Pitmaster Foundation sa ating kababayan sa kabila pagsuspinde ng online sabong sa bansa.
“Gaano ba ka-busy ang isang Atty. Caroline Cruz?” tanong ni Long.
“Ang trabaho naman natin sa Pitmaster ay tuloy-tuloy… palagi namang maraming tumatawag, nakiki-Facebook, nakiki-message, nakiki-Tiktok sa atin.
Sinagot din ni Atty. Cruz ang tanong ni Long kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng Pitmaster Foundation ngayon.
“Actually, Long tatapatin kita… medyo ang Foundation is facing a very challenging financial position. Kasi alam mo naman nagkaroon tayo ng suspensiyon ng operation ng ating Lucky 8. ‘Yun talaga ang biggest and only donor ng Pitmaster Foundation,” paliwanag ni Atty, Cruz.
“Pero tulad ng pag-ibig (true love), tuloy-tuloy lang ang pagtulong with our own little way,” dagdag pa niya,
“Kasi naman, kung sensiro ka naman tumulong, tuloy-tuloy lang ‘yan. So, tinutuloy-tuloy namin, yung mga naisyuhan natin ng guarantee letter ng dialysis. Tuloy kasi marami tayong naisyuhan kailangan nating bayaran.”
Aniya, nitong nakaraan ay nagbigay din ang Pitmaster Foundation ng mga ambulansiya nang paunti-unti sa Department of Social Welfare and Development, sa Agusan del Sur at Matag-ob, Leyte.
Saad pa nito, tumugon din ang Pitmaster Foundation sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos patungkol sa climate change nang magsagawa ito ng National Climate and Disaster Emergency Forum.
Marami ring natulungan ang Pitmaster Foundation na nangangailangan matapos ang paghagupit ng bagyong Karding nitong kamakailan lang.
Sa huling pagtatanong ni Long, sinagot ni Atty. Cruz kung ano ba ang maasahan ng ating mga kababayan sa Pitmaster Foundation.
“Well tayo naman dito tuloy-tuloy lang. Sa kaya ng ating maabot, kahit anong klaseng tulong ay nandito lang ang Pitmaster Foundation… kahit sa tulong pag-ibig, tulong legal, tulong problema ng pamilya at kaya naman natin sagutin sa ating mga araw-araw na ginagawa nito sa opisina. Kaya huwag kayong mahihiya,” tugon ni Atty. Cruz.
Aliw naman ang reaksyon at komento ng netizen sa video ng dalawa:
“Aliw talaga si repapits Long nahahawa na si atty CC sa kanya iiiih . But on the other note Pitmaster Foundation provides indigents with timely medical assistance, service, and targeted emergency relief. In fact it has commited P100M for mass testing in NCR to keep economy open. Also they have responded timely to the needs of the people who was hit hard by typhoon Karding. Pitmaster truly cares indeed!
“Buti nalang andiyan ang Pitmaster Foundation. Napakalaking tulong talaga sila sa atin. Hindi alinlangan ang pagiging ban nila para makatulong. Yong mas iniintindi nila na makapagbigay ng serbisyo sa mga tao. Maraming salamat talaga Pitmaster Foundation. Ito yung mga bagay na dapat ihalal ng gobyerno dahil sukli nila ay maayos at magandang tulong sa mga tao.”
“This short but meaningful talk ni Repapits Long at Atty. Cruz gives Pitmaster a whole new view to help others, Pitmaster found opportunity on themselves then they spread it to the most people who are in need. Talagang kahanga-hanga tumulong ang Pitmaster dahil despite the circumstances, they still find a way to produce a helping hand for the people. Kudos to #PitmasterFoundation”
“Big inspiration si Atty CC for being involved in public service through Pitmaster Foundation. Ang gaan talaga sa puso ang makatulong sa higit na nangangailangan. God bless your kind heart!” Infer, ang ganda ni Atty. Caroline. I’m always amaze talaga sa mga babaeng di lang maganda, matalino higit sa lahat maganda ang puso at handang tumulong sa mga nangangailangan kasama ang PitMaster Foundation. Thank you.”
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
Lalaki, arestado sa panggugulo at baril sa Navotas
2 welder, patay nang ma-trap sa nasunog na barko sa Navotas