November 16, 2024

Mga Pinoy binawal sa Kuwait

Hindi na nagsasakay ng mga Pilipino ang Kuwait Airlines mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungo ng Kuwait.

Ito ay matapos silang makatanggap ng kautusan mula sa kanilang head office sa Kuwait.

Partikular na pinagbabawal na sumakay sa Kuwait Airlines ang mga Pinoy na bago lang ang visa.

Ayon sa opisyales ng Kuwait Airlines, agad na ipapatutupad ang abiso na may petsang Mayo 10, 2023, pero ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Sandoval, hindi pa natatanggap ng bureau ang opisyal na dokumento kaugnay dito.

Nilinaw naman ng Kuwait Airlines na hindi sakop ng kautusan ang mga Pinoy na may valid residence permit sa Kuwait tulad ng valid civil ID o mobile ID.

Kaugnay nito, may direktiba na rin sa Middle East carriers at iba pang international airlines na may direct o connecting flights sa Kuwait na bawal sila magsakay ng mga pasaherong Pilipino lalo na ang first time workers o first time na magkaroon ng Kuwait visas.

Kabilang sa Middle East carriers na nag-o-operate sa NAIA ay Kuwait Airlines, Qatar Airways, Gulf Air at Saudia Airlines. Habang may ilan ding international airlines ang may connecting flights sa Kuwait.