HINIMOK ni Senate Minority Leader Frankling Drilon na gawing cash na lang ang ibibigay na P1,000 sa mga benepisaryo kesa ibigay ito ng “in-kind”.
Paliwanag ng senador, mas madaling kupitan ng ilang local government unit (LGU) ang pamamahagi ng food pacs sa kanilang nasasakupan kaysa mamahagi ng cash aids sa mga apektado ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Ayon kay Drilon, sa gastos ng logistics pa lamang ay mababawasan na ang ayudang matatanggap ng benepisyaryo.
Kung kurakot ang alkalde, lalong kawawa ang bibigyan ng ayuda dahil baka iilang piraso na lang ng de-latang pagkain at ilang kilo ng bigas ang kanilang matatanggap.
“The P1,000 ayuda is needed by our hungry countrymen and unemployed countrymen but the instruction that it could be in-kind has its own disadvantages. Number one is the logistic cost,” paliwanag ni Drilon.
“Number two, at the local level, my goodness, I don’t know what the commissions are. I can assure you a week from now, you will hear allegations of corruption in the purchase of this ayuda in-kind.” babala ng senador.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE