ANG tema ng pelikulang ginawa ni Mark Fernandez sa Viva Films, na may titulong ‘Para Kang Papa Mo’ na ipalalabas na this coming December 13, 2023 ay tungkol sa dad na may anak na bakla, comedy-drama ang nasabing pelikula.
“Proud son ako sa papa ko, [Rudy Fernandez ] idol ko kasi siya. Noong nabubuhay pa siya, mas gusto niyang hindi kami nasasangkot sa gulo. At kung mangyari mang masangkot ako, kinakastigo niya ako sa tamang pamamaraan ng pagdisiplina ng ama sa anak.
“Masaya ako dahil hanggang ngayon ay may tiwala pa rin sa akin si Boss Vic del Rosario, dahil binigyan niya ako ng magandang role sa ‘Para Kang Papa Mo.’
“Isa akong daddy na nagkaroon ng bading na anak sa pelikula naming iyan, kung magkaroon talaga ako ng anak na bading. Kausapin ko siya at bigyan ng payo at bigyan ko siya ng kompletong kalayaan bilang siya,” maunawaing pahayag ni Mark Fernandez.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA