January 23, 2025

Kung hindi uubra ang Pacquiao-Crawford showdown, Bob Arum, ikakasa ang Plan B

Umaasa pa rin si Top Rank CEO Bob Arum na maikakasa ang welterweight clash sa pagitan ni Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.

Balak ni Arum na ilatag ang laban sa labas ng United States. Gayunman, iginiit ni Arum na medyo imposible ang Pacquiao-Crawford clash. Kaya, may ilalatag siyang Plan B.

Pwede niyang ilaban si Crawford kay British pug Kelly Brook.

 “Terence Crawford, we’re trying to put together and fight with Manny Pacquiao, which would be out of the United States,” aniya.

Now, if we’re not able to do that fight and we have to do it in the ‘bubble,’ we are looking at having Terence fight Kell Brook.”

 “To do a Crawford-Brook fight is a lot easier because it would be a fight that we would be in the ‘bubble’ here in Las Vegas.”

May sitsit na pinaplantsa ang Pacquiao-Crawford showdown. Ngunit, sinabi ni MP Promotions CEO Sean Gibbons na isanlibong porsiyento itong walang katuturan.

Huling lumaban ang 41-anyos na si Pacman noong July 2019 kontra Keith Thurman.

Habang ng 32-anyos na si Crawford ay Egidijus Kavaliauskus noong nakaraang December 2019.