
Bumida si Jonathan Kuminga sa pagtaga ng Golden State Warriors sa Dallas Mavericks, 130-92. Naglista ito ng 22 points at 5 rebounds. Nag-ambag naman si Stephen Curry ng 18 points, 9 boards at 7 assists. Habang si Jordan Poole naman ay bumira ng 17 points at 3 assists.
Kumana naman si Klay Thompson ng 15 points, 6 assists at 2 rebounds. Sa iba pang laro, kuminang si Anthony Edwards sa panalo ng Minnesota Timberwolves.Nilapa ng team ang Portland TrailBlazers, 109-107.
Lumagare si Edwards ng 40 points, 9 boards at 3 steals. Nag-abono naman si D’ Angelo Russell ng 22 points at 4 assists. Binuhat naman ni Jusu Nurkic ang Portland sa paglista ng 20 points, 13 boards at 4 blocks.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT