January 23, 2025

KULTURA NG KUPIT SA AYUDA GRABE NA TALAGA!

HETO na naman sila.

  Di natin mawari kung talagang kultura na nila ang pumitik ng perang ipinagkatiwala  lang o sadyang di na sila takot sa anumang babala ng ating pinuno ng bansa na huwag  dekwatan ang laang ayuda ng pamahalaan para  sa kababayang apektado ng  lockdown.

  Ito’y inimplementa upang mapigilan ang pagtaas diumano ng bilang ng mga nag-positibo sa salot na pandemyang covid.

     Wala naman kasing naparusahang ibinandera sa bayan noong naunang mga chaotic na distribution ng ayuda mula unang bugso hanggang huli  sa timon ng pinagsamang DSWD at LGU’s.

  Andami nilang nakinabang at the expense of pandemic crisis.

   Sila iyong mga nagbago ang lifestyle at biglang- yaman.

  Silang  mga nabuking na  pumitik at sobrang dami ng bunikulang pobreng mamamayan pero hanggang sa isiniwalat lang ang kanilang mga pangalan pero di naman alam ni Juan kung sila nga ay naparusahan.

     Dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo,muling inilagay ang NCR plus sa ECQ na ibig sabihin ay  ‘lockdown’ na naman.

      Alam ng Pangulo ang consequence ng kanyang nilagdaang rekomendasyon ng IATF na lumpo uli lahat maliban sa iilang anak ng Diyos na kumukuyakoy lang sa panahon ng lockdown dahil sa dami ng istak sa baul mula sa nakurakot sa kaban ni Juan.

      Pero lingid sa kaalaman ( o me nakakaalam)ng Palasyo,may mga lihim na natuwa dahil maliwanag na instant kuwarta na naman ang madedekwat nila na laan para sa mga bayang  nasa tanikala ng lockdown.

    Maliwanag ang sinabi ng Pangulo, lahat ng apektadong pamilya sa bawat bahay ay tatanggap na ayudang 4k sa mga apat na miyembro at higit pa  gayong ang mababa sa 4 ay tig-isang  libo ang matatanggap na ayuda..

    Hindi nakasaad na  regulasyon ang   dapat ay nakalista sa dating SAP  na nakatanggap o miyembro bg 4P’s.Ang maliwanag, bawat bahay- bawat pamilya no more no less.

  Ang siste, muling pinagkatiwalaan ang notoryus na mga natokang  tauhan ng DSWD kakomplut ang local government hanggang barangay officials.

  Muli silang gumawa ng paraan kung paano pumitik ng hindi nakapalag na mga benepiyaryo ng ayuda.

  Dating gawi ang ginawa nilang inipon ang mga tatanggap sa iisang venue at pinapila ang tao sa bilad ng init ng tag-araw kahit iyong mga may kapansanan o senior citizens.

   Asal pa nila ay parang kanila ang perang ipinamamahagi sa mga kinawawang mamamayan.

    Heto ang matindi,iyong 4k na laan ng gobyerno ay 3k lang ang natanggap at mas grabe pa ay 1k lang  ang ibinigay kahit apat silang miyembro ng pamilya.

  Kunwari ay naglagay sila ng grievance desk para sa mga magrereklamo pero paano ka naman aangal eh kay- haba ng piia. Pagod na sa naunang pila kaya di na lang sila magrereklamo sa ploy ng mga switik na pinagkatiwalaang mamahagi ng ayuda. Wika ng isang walang paninindigang nakatanggap ng kulang, “okey na ‘to kesa sa wala tutal ay bigay lang naman”. Kaya si KUPITA at Desdobolyudi, hanggang tenga ang ngisi.Hayahay ang kanilang pitakang gucci.

     Tiyak na magkakakutsaba na naman sila at happy hour na  pag pinaghati-hatian ang ayudang naging blood money dahil galing sa masamang gawaing kultura ng kanilang korapsiyon na akala ay wala nang hangganan.     Kayong mga makakapal ang mukha at bulsa dahil sa pandemya,hantayin ninyo ang balik ng KARMA kung di man kayo mapaparusahan sa batas ng tao…ABANGAN!