PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang umano’y shabu laboratory at bigating private army ng extremist groups sa Surigao del Norte.
Ayon kay Dela Rosa, nakatanggap ang kanyang tanggapan ng liham na naglalaman ng resolusyon mula sa alkalde ng Socorro, Surigao del Norte, na humihiling ng imbestigasyon sa umano’y shabu laboratory at presensiya ng bigatin na armadong private army na tinatawag na ‘Agila,” na suprtado ng extremist groups sa Southern Mindanao.
Ang tinutukoy ng alkalde ay ang Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI), ang largest people’s organization sa isla ng Socorro, Surigao del Norte.
Dahil umano sa magnitude 5.9 na lindol noong Pebrero 9, 2019, inabandona ng mga miyembro ng SBSI ang kanilang tahanan at tumuloy sa Sitio Kapihan, Barangay Sering, Soccoro, na utos ni Jey Rence Quilario, na sinasabi ng grupo na God’s reincarnation ng Senior Sto. Niño (Holy Child Jesus), at tinatawag nilang “Senior Agila.”
Sa kalaunan ay unti-unting nagpalit ang SBSI sa pagiging kulto at nagbago ng daan sa landas ng mapayapang pakikipamuhay sa gobyerno, sa komunidad at iba pang stakeholder patungo sa kontrobersiya.
Ang mga sumusunod ay ibinunyag umano ng mga nakasaksi ng Socorro Task Force Kapihan, ang task force na binuo ng LGU ng Socorro para tugunan ang mga problema sa mga residente ng Kapihan:
- Presensiya ng shabu laboratory sa underground bunker na nasa bisinidad ng white hoise kung saan naninirahan ng dalawang Kapihan leaders na sina Karren Sanico at Quilario.
- Pagpatay kay Rosalina Taruc, presidente ng Socorro Bayanihan Services Inc., noong 2021 at sa kanyang anak na babae, dating mayor at incoming Bayanihan leader Denia Florano, na misteryosong namatay walong araw pagkamatay ng kanyang ina.
- Presensiya ng heavily armed private army na tinatawag na “Agila” na may mga armas, bala at uniporme na suportado ng extremist groups sa southern Mindanao at ginagamit nilang human shield sa shabu laboratory ang mga miyembro ng umano’y kulto.
- Pinupwersa ng kulto na magpakasal ang mga batang babae na nasa edad dose, pero bago ibigay ang batang bride sa batang groom, ilan ang umano’y pinupwersa muna na makipagtalik kay Quilario.
– - Umano’y pang-aabuso ng apat na kinikilalang lider ng grupo, lalo na si Janeth Ajoc, sa pangongolekta ng 50 percent na sahod ng kanilang mga miyembro na karpintero/mason, 50 percent ng mahuhuling isda ng kanilang mga miyembro na mangingisda, 30 percent sa maibebentang lupain ng kanilang miyembro at 50 percent sa ayuda para sa 4Ps at senior citizens.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD