ARESTADO ang isang tambay na lalaki matapos sipsipin ang krudo sa generator na nagpapatakbo sa isang pumping station sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa isinumiteng ulat nina PSSg Jeric Tindugan at P/SSg Mardelio Osting kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station-7 nang lapitan sila ng isang testigo at isinumbong ang ginagawang pagsipsip ng krudo ni alyas “Christopher” sa generator ng pumping station sa A. Bonifacio St. dakong alas-2:45 ng hapon.
Kaagad namang pinuntahan ng mga tauhan ng SS7 ang nasabing lugar subalit, nang mapansin ng suspek ang kanilang presensya ay tinangka nitong tumakas pero nasukol sin siya nina P/Cpl. Jose Semillano, katuwang si Pat. Achival Basas, Jr ng Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU) sa kahabaan ng A. Bonifacio St. Brgy. Flores.
Nakuha ng pulisya sa suspek ang isang plastic container na naglalaman na ng 20-litro ng krudo na nagkakahalaga ng P1,160.00 pati na ang hose na ginagamit niya sa pagsipsip.
Ayon sa pulisya, iprinisinta na nila ang suspek sa piskalya ng Lungsod ng Malabon para sa pagsasailalim sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin niyang kasong pagnanakaw.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA