Kahit na kumbinsidong isa sa star player nila si Kristaps Porzingis, may balak dito ang Dallas Mavericks.Bagamat maganda naman ang ginagawa ng Latvian player, hindi umuubra ang duo nila ni Luka Doncic.
Kung kaya, isa si Porzingis sa ikakasa ng team sa trade. Ayon kay Ian Begley ng SNY, nakikipag-ugnayan ang Dallas sa Golden State Warriors.
May target daw kasi ang team sa ilang big man ng Warriors. Kapag naikasa ang deal, ang Golden State na ang ikatlong team ni Porzingis sa NBA.
May up-and-down tenure ang 25-anyos na si Porzingis sa Dallas. Mayroon itong offensive brilliance. Pero, nagkakaproblema sa injury at isyu sa kanyang depensa.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT