December 24, 2024

KRISIS SA PAGKAIN SA PINAS, NAKAKAIYAK NA! – IMEE MARCOS

Nakakaiyak!

Reaksyon ito ni Sen. Imee Marcos matapos ideklara ng Dept. of Agriculture ang state of calamity sa bansa dulot ng sunod-sunod na bagyo, African Swine Fever at pagsasamantala ng ilang mangangalakal sa presyo ng mga pagkain.

Kasabay nito, kinalampag ni Marcos ang  DA na maglatag ng mas epektibong solusyon at mga programa na gagastusan ng P24B mula sa Bayanihan 2 kaysa mag-angkat ng mga produktong agrikultura.

Ayon kay Marcos, chairperson ng Senate committee on Economic Affairs, dapat bilhin at kunin ng DA ang nabubulok lang na mga ani ng magsasaka sa Cordillera region, ipamahagi sa mga lugmok at liblib na komunidad, gayundin ang paghahatid nito sa mga mahihirap na tao.

Giit ni Marcos, walang kagyat na solusyon o epekto sa tumitinding krisis sa pagkain at pagtaas ng presyo ng bilihin ang kalat-kalat at medium-term programs ng DA, gaya ng  paghikayat sa mga agri- entrepreneurs at pagsasagawa ng research at business  “corridors” sa bansa.

Mas makabubuti anyang magpatupad ng mas mataas na standards ang DA at iwasan na ang ‘vicious cycle’ ng importasyon kapag may krisis sa pagkain.

“These should not have been included in Bayanihan menu in the first place, as they address neither the pandemic nor the agri shortages we are now confronting. By way of warning, let us exhaust all domestic supplies before embarking as usual on the knee-jerk DA response of importation. We can transform this vicious cycle into a virtuous one, and use DA’s Quick Respond Fund, contingency & other sums to benefit both our own farmers & our hapless consumers,”dagdag pa ni Marcos

“Ayokong maging alarmist- pero kaming ilocano nagpapanic talaga pag umapak ang kamatis sa p100-120 kada kilo, sampu ng bawang at sibuyas na basic nating panggisa. Ayokong nagtututuro- pero kailangan natin seryosohin ang agrikultura at pagkain. We should invest in farmers, especially, young farmers who are leaving the ricefields in droves, we need to pay for farming infrastructure and irrigation, we must study the best farm technologies and make them available nationwide. Government has to take a far more aggressive role in modernizing agriculture and  private business should do their share by investing in the countryside too,” ayon pa kay Marcos

Kinuwestyon pa ni Marcos ang ipinaiiral na price control ng DA na umanoy walang silbi at hindi dapat pinagtutuunan ng prayoridad ng ahensya.

Ang importante anya ay maibaba ang mga aning gulay mula sa bundok ng Cordillera at maibenta sa mas mababang presyo na hindi na dumadaan sa kamay ng mga mapagsamantalang negosyante at mga kartel.

“Anong silbi ng price control na yan sa amin sa Norte? Ayan yung mga taga-Benguet umaangal na hindi dapat price control ang pag-aksayahan ng panahon ng DA kundi TRAK  para kunin ang gulay sa bundok at dalhin sa kanayunan. We need sure transport and delivery of agri produce from DA- otherwise vegetables  and animal farmers have no choice but to succumb to ruthless traders and cartels,” pahayag pa ni Marcos

Sinabi pa ni Marcos na hindi dapat umasa ang gobyerno sa importasyon lamang  dahil kelangan pa rin na magbungkal at magtanim ng mga kabataang Pinoy para sa kinabukasan ng bansa.

“Dahil diyan, ang edad ng pangkaraniwang magsasaka ngayon ay 57 years old – kaya’t ayon sa pag-aaral, pagdating ng 2030 wala nang magtatanim sa bukid! Anung gagawin natin – magdasal na may pera tayong mag- import ng lahat ng kakainin ng pamilya, o mamatay ng gutom?!” ayon pa sa Senadora.