November 5, 2024

Kris posibleng malagas ang buhok sa chemo

MAKARAAN ang mahigit sa dalawang buwan na pananahimik sa social media, nagparamdam ngayong araw si Kris Aquino upang ibalita sa publiko ang kanyang lagay.

Sa Instagram, isiniwalat ng Queen of All Media na sisimulan na ang kanyang
“immunosuppressant therapy” para sa kanyang limang autoimmune conditions.

“I was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity,” aniya.

Ayon kay Kris, ayaw muna niyang mag-post sa soc med hanggang hindi malinaw ang kanyang health situation.

Pero sa kabila ng mga iniindang sakit, ipinagdiinan niya na hindi siya susuko para sa dalawang anak.

“There have been times i wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability(since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse,” aniya.

“BUT i remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up,” dagdag niya.