December 25, 2024

KRIS BERNAL, ‘DI RAW HEALTHY ANG KATAWAN KAYA PAYATOT

© Jojit Lorenzo

Nasaktan si Kris Bernal sa bira sa kanya ng mga bashers dahil sa pagiging payat niya. Anorexic at bulimic daw siya. Narito ang kanyang pahayag sa mga nangungutya sa kanya:

“Alam n’yo, I’m naturally thin and, oh my gosh naiiyak ako, I’m naturally small and may mga tao talagang namba-bash sa ’kin. Sasabihin nila anorexic daw ako, bulimic, I’m too thin. But in all honesty, it’s just my body type, it’s my genes.

Pero patuloy pa rin niyang pino-post ang kanyang fitness video, para maniwala silang physically fit siya. Pero doubt pa rin ang mga netizens, at hindi sila makapaniwala na healthy nga ang kanyang katawan. Narito naman ang kanyang pahayag sa mga ayaw maniwala:

“So ang hirap lang din ipaintindi sa mga tao na hindi porke’t payat ka ‘eh bawal ka nang mag-workout. Hindi ‘eh, this is my body type, na-embrace ko na siya and minahal ko na ‘yung flaws ko na ganoon so I hope na ganoon din sa inyo She-zums. Kung big-boned kayo o tabain kayo, just embrace your flaws and work on it if you want to.”

Sa mga fans ni Kris Bernal, na patuloy na nagdududa sa health condition niya. Healthy naman talaga siya, iyon nga lang talagang payat na raw ang dating ng katawan niya.