HINDI talaga nakipagsabayan ang ‘House Of Gogi’ dine in restaurant ni Kris Bernal, dahil hanggang ngayon ay naka general community quarantine pa rin ang Metro Manila. Sumusunod daw si kris, dahil mahalaga ito para sa lahat.
“Kung pera lang naman ang habol ko, bakit ba hindi ‘di ba? Kaso ang mahalaga sa akin ay ang health naming lahat, ang pera naman medaling kitain iyan. Pero darating tayo diyan, basta ako kaya hindi ko pa binubuksan ang Korean restaurant ko na House Of Gogi gusto kong manigurado sa kaligtasan ng naming lahat.
“Parang malaki ang risk, mas importante sa akin ang safety and health ng lahat. Hindi man dumating iyong talagang normal, basta kami handa. Hindi naman kami nagmamadali, sinisiguro lang naming na kapag nagbukas kami ay ready kami sa laban. At may panangga kami sa corona virus na hindi naman natin nakikita.” Nakangiting paliwanag ni Kris Bernal, habang hinahanda na ang planong pagbubukas ng kanyang ‘House Of Gogi.’
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA