December 26, 2024

KRIS AQUINO, PATULOY SA PAGGALING

GUMANDA na raw ang kalagayan ni Kris Aquino, nakabawi na ito at malamang na umuwi na ito ng Pilipinas kasama ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Joshua.

Pero mukhang hindi babalik ng ‘Pinas si Kris para sa kanyang showbiz career, dahil heto ang kanyang pahayag.

 “I would love to but I’ve changed so much, and experienced life’s pain and sorrow. I’m now a different me with other missions in my mind,” pahayag pa ni Ms. Kris Aquino. So babalik siya para unahin muna siguro ang magpagaling sa sarili niyang bansa.

 “Hindi naman ho nagsasabi ng tapos si Kris Aquino, hindi rin naman niya matitiis ang kanyang sarili na hindi bumalik sa showbiz, dahil alam naman ng lahat na dugo at pawis niya ang showbiz. Isa pa wala naman siyang kapalit sa tronong kanyang pansamantalang iniwan.

 “Malaking kawalan ang posisyon niya na iiwan kung sakaling lilisanin niya ang mundo ng showbiz, at dalawa lang naman iyang kanyang kapupuntahan. Ang maging isang politician o maging huwarang ina sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby,” pagsasalaysay ng aking source.