July 2, 2024

KRIS AQUINO MAY BAGONG BOYFRIEND NA DOKTOR

KINUMPIRMA ni Queen of All Media Kris Aquino na mayroon siyang bagong karelasyon nang kapanayamin siya ni showbiz insider Ogie Diaz.

Sa unang bahagi kasi ng latest episode ng vlog ni Ogie nitong Sabado, Hunyo 29, nabanggit ni Bimby ang tungkol sa lovelife ng kaniyang ina.

“Nasabi ni Bimb kanina na may bago ka nang love life,” paniniyak ni Ogie.

“Yes,” pagkumpirma ni Kris. “Hindi naman love life. It just flowed. Nangyari. And he’s a doctor.”

And I think that’s part of the reason why I’m confident na pwede akong umuwi. Kasi alam kong there’s someone who will help in taking care of me,” wika niya.

Dagdag pa niya: “So, obviously by saying that, alam na nila he’s a doctor based in the Philippines.”

Pero bago pa man ito ay nauna nang ibinahgi ni Kris na tapos na ang kung anomang namagitan sa kanila ni Vice Governor Mark Leviste at kasalukuyan na raw siyang nagmo-move on.

Kaya naman, nilinaw ni Kris na hindi niya pinagsabay si Leviste at ang tinutukoy na doktor. At lalong hindi daw ang huli ang dahilan kung bakit sila hindi naging okay ng vice governor.