September 19, 2024

KORTE SA MAYNILA, ISINARA DAHIL SA COVID-19


INUTOS ng Metropolitan Trial Court (MeTC) executive judge na isailalim sa lockdown ang MeTC Branch 30 at MeTC Manila office ng Clerk of Court.

Sa isang memorandum na pirmado ni Executive Judge Carissa Anne Manook-Frondozo, epektibo ang lockdown sa Branch 30 sa Manila City Hall ngayong araw hanggang Hulyo 24.

Habang Hulyo 13 at 22 naman epektibo ang lockdown sa MeTC Office of the Clerk of Court.

Samantala, nabanggit sa memo na ang MeTC Manila Branch 30 ay maaaring magdaos ng video conference hearings at tumanggap ng pleading sa pamamagitan ng e-mail sa panahon ng quarantine.

Habang maaring tumanggap ng mga aplikasyon para sa piyansa at iba pang concern sa mga mahahalagang bagay sa pamamagitan ng kanilang hotline o email.