March 7, 2025

KORTE IPINAG-UTOS NA ALISIN SI LINO CAYETANO, ASAWA SA VOTERS LIST

Inutusan ng Taguig court ang Commission on Elections’ Election Regitration Board (ERB) ng Taguig City na huwag isama ang mga pangalan nina dating mayor Lino Cayetano at kanyang asawa na si Fille Cayetano sa listahan ng official voters sa isang presinto sa Barangay Usuan.

In a 14-page decision, sinabi ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153 na nabigo ang mag-asawa na hindi naipakita ng mag-asawa ang required na residency requirement at naihain ang petition for inclusion nang lampas sa takdang panahon.

“The decision is immediately final and executory. No motion for reconsideration shall be entertained,” mababasa sa desisyon.

Nag-ugat ang kaso nang tanggihan ng ERB ang aplikasyon ng mga Cayetano na ilipat ang kanilang registration records noong Oktubre 2024.

Dahil dito, nagpasya silang maghain ng petition for inclusion sa Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 74. Pinayagan ng MTC ang kanilang petisyon at inutusn na isama ang kanilang pangalan sa listahan.

Subalit binaligtad ng RTC ang desisyon  ng MTC, natuklasan na hindi napapanahon ang paghahain ng petisyon.

Binanggit nito ang The Voter’s Registration Act of 1996, na nagsasaad na ang isang tao ay hindi maaaring maghain ng petisyon upang isama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga botante sa loob ng 105 araw bago ang regular na halalan.


“In this case, the petition for inclusion was filed by the petitioners-appellees before the Metropolitan Trial Court on January 27, 2025, which is the 105th day before the regular election on May 12, 2025,” saad nito.

Dagdag pa rito, sinabi ng RTC na hindi napatunayan ng mag-asawa na sila ay mga residente ng kanilang barangay nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang nalalapit na halalan sa Mayo 12.

Sinabi rin nito na hindi sila sumasang-ayon sa kanilang argumento na ang kanilang tirahan ay nananatili sa barangay sa kabila ng pag-upa ng isang yunit sa ibang lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cayetano na gagamitin nila ang kanilang karapatan na mag-apela.

“Gagamitin namin ang karapatang i-apela ang desisyong ito, nang may buong kumpiyansa na ang katotohanan ay lalabas at ang hustisya ay makakamit,” saad niya.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga tagasuporta at hinimok silang manatiling kalmado.