NATAGPUANG walang buhay ang isang Koreano sa loob ng kanyang selda habang nakakulong sa BI Warden Facility (BIFW) sa Bicutan, Taguig.
Natagpuang patay kahapon ang Koreano na si Son Byeongkweon, 52.
Nakulong si Son nitong Disyembre 29, 2020 matapos maharang sa Ninoy Aquino International Airport. Siya ay itinuturing na nagtatago sa batas, ayon sa tala ng Interpol, na may warrant of arrest sa Korea dahil sa panloloko.
Nang madiskubre ang insidente, agad na sinuri ng mga naka-duty na nurse ng BIWF ang sitwasyon at natagpuan nila si Son na wala ng buhay.
Agad ini-report sa Philippine National Police (PNP) Scene of the Operatives upang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pangyayari.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa Korean Embassy patungkol sa insidente, upang ihanda ang kanyang mga labi, habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng PNP.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA