ARESTADO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang 43-anyos na pugante na si Lee Jungkuk, na inaresto ng mga miyembro ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa Barangay Cauyan, Angeles City, Pampanga. “He will be deported for posing risk to public safety and security, being a fugitive from justice wanted for illegal drugs,” pahayag ni Morente. “He will then be placed in our blacklist to prevent him from re-entering the Philippines,” dagdag niya.
Ayon sa BI chief, subject si Lee ng isang outstanding arrest warrant na inilabas ng Cheongju district court sa South Korean limang taon na ang nakalilipas matapos siyang kasuhan sa trading at administering ng psychotropic drug.
Sa nakalap na impormasyon mula sa national central bureau ng Interpol Manila na noong Marso 21, 2014, hiniling ni Lee sa kanyang kaibigan na i-encash ang isang tseke na ginamit niya sa pagbili ng 0.1 g ng methampetamine mula sa isang kababayan.
Kung mapatunayang nagkasala, maaring masistensiyahan ng 10 taong pagkakulong si Lee dahil sa paglabag sa narcotics control act sa kanyang bansa.
Kasalukuyan siyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings.
Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, na overstaying alien na rin ang nasabing Koreano matapos lumabas sa record na siya ay dumating sa Pilipinas noong Hulyo 2, 2015.
Dagdag pa ni Sy, na isa ring undocumented alien si Lee dahil sa revocation ng kanyang passport ng South Korean government.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY