NAGING guest si Sandara Park sa isang TV Show sa Korea, mala talk show ang dating nang nasabing show kasama ang isang veteran Korean actress na si Choi Soo Rin. Parang may part ang show na, aktingan challenge. Ang role ni Sandara, ay isang api-apihan ng isang mother-in-law.
Nilait ng Korean actress ang hitsura ng kanyang pananamit, at sinabihan niya ito na hindi niya type para sa kanyang anak bilang asawa. Katakot-takot na panlalait ang natanggap ni Sandara.
Nakasagot naman si Sandara, pero halatang nataranta ito at bigla itong sumagot sa salitang tagalog.
“Ano pong sinabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan!” Ang saad ni Sandara Park sa Korean actress, at saglit na natahimik ang lahat dahil hindi nila naintindihan ang sinalita ni Sandara.
Nauwi na lamang sa tawanan ang lahat, maging sa Korea ay dala pa rin ni Sandara Park ang kanyang pagka-krung-krung. Kaya naman napasaya niya ang lahat at, viral ang kanyang ginawang aksidenteng kalituhan.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?