NABABAHALA ang ilang bansa kasunod ng desisyon ng Japan na itapon ang milyong tonelada ng nuclear wastewater sa Pacific Ocean sa 2023, sapat na upang mapunan ang 500 Olympic-sized swimming pool, ayon sa Philippine News Agency.
Kabilang sa mga tumutol sa hakbang ng Japan ay ang mga bansa na kinabibilangan ng “Pacific States” tulad ng South Korea, China at Pilipinas na nababahala sa posibleng pagkasira ng dagat sa rehiyon.
Inilabas ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang desisyon sa pagpapakawala ng radioactive water na naipon sa planta sa Pacific Ocean.
Mariin ding tinutulan ng Japanese fishing industry ang desisyon ng kanilang pamahalaan at sinabi ng publiko na ang naturang hakbang ay makakasama sa kanilang matagal na pagsisikap sa panunumbalik ng biodiversity ng dagat.
“We are dead against a release of contaminated water to the ocean as it could have a catastrophic impact on the future of Japan’s fishing industry,” sabi ni Hiroshi Kishi ng national federation of fisheries cooperatives.
Samantala nagpahayag naman ng suporta ang United States sa desisyon ng Japan na itapon ang nuclear waste sa Pacific Ocean.
Bagaman suportado nito ang Japan, pinalawig naman ng United States Food and Drug Administration (FDA) ang import bans sa lahat ng agricultural at seafood products mula Fukushima region.
Ipinaalala naman ng Pilipinas sa Japan ang international environmental law.
“I can only repeat the principles of international environmental law that I hope all countries will comply with. First principle is that we are one eco-system, second principle is we are interconnected, and the third principle is that the polluter must pay,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,
Samantala, sa kabila ng kakulangan ng anumang safety test sa mga Fukushima food imports, noong nakarang Enero 2020, binawi ni Secretary of Foreign Affairs Teddyboy Locsin ang lahat ng import restriction mula sa Fikushima nang bumisita si Japanese foreign minister Motegi Toshimitsu.
Naipon ang nuclear wastewater nang masira ang nuclear plant sa Fukushima region sa Japan dahil sa malakas na lindol na tumama noong 2011. Niyanig ng magnitude 9.0 earthquake at sinundan pa ng tsunami ang northeast ng Japan noong 2011, na nagdulot ng pagkalusaw ng No.1-3 reactors sa Fukushima Daiichi nuclear plant. Lumikha ang naturang planta ng malaking bahagi ng radiation-tainted water simula nang mangyari ang aksidente dahil kailangan ng tubig upang mapalamig ang reactor. Ayon Tokyo Electric Power Company Holdings Inc. (TEPCO), aabutin ng dalawang taon bago simulan ang pagpapakawala.
Ayon sa marine experts, ikinababahala ang traces ng ruthenium, cobalt, strontium at plutonium isotopes sa wastewater. Ang mga bagay tulad ng tritium, isang radioactive byproduct ng nuclear reactor, ay mahirap din salain.
“It will be difficult to accept if the Japanese side decides to release the contaminated water from the Fukushima nuclear power plant without sufficient consultations,” ayon kay foreign ministry spokesman.
Nauna dito, tila tengang kawali din ang Amerika sa protesta at ipinakikitang pagtutol ng South Korea kaugnay ng plano ng Japan na gawing tapunan nuclear waste water ang Pasipiko.
Nanawagan din si Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian sa pamahaalan ng Japan na maging responsible sa paghawak ng waste water at ayusin ang isyu sa pagtatapon ng nuclear waste.
Iginiit ni Zhao na ang wastong pagtatapon ng nuclear waste ay may kaugnayan sa international public interest at sa vital interest ng mga kalapit na bansa. Dapat itong maging maingat at maayos upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa marine environment, food safety at human health.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA