NANGAKO si Presidential candidate Senator Manny Pacquiao na kabilang sa kanyang lilinisin ang Department of Education (DepEd) dahil umano sa korapsyon.
Inamin ng senador na bigong palakasin ang edukasyon sa bansa dahil hindi napupunta ang nakalaan na budget sa dapat nitong puntahan.
“Hindi lang po ako nagsasalita, pero alam ko po ang mga nangyayari dyan sa DepEd…Ayaw ko lang ibulgar ngayon. Pagdating ng panahon, eh alam ko na kung paano ko halungkatin ‘yan at itutuwid,” saad ni Pacquiao sa isang panayam na inorganisa ng Commission on Elections at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Para sa karagdagang detalye, sinabi ni Pacquiao na may kilala siya sa departamento na humihingi ng illicit payments.
“Sa DepEd, may kakilala pa ako dyan, hindi pumapayag na bumababa ng 40% ang mapunta sakanya,” saad niya.
Tumanggi naman ito na pangalanan o tukuyin ang ranggo na kanyang binabanggit.
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN