Tinukoy ng karamihan sa mga presidential candidates ang Bureau of Customs sa unang kailangan na maimbestigahan dahil sa issue sa korapsyon.
Ito ang naging tugon nina Ernesto Abella, Norberto Gonzales, Leody de Guzman, Panfilo Lacson, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Isko Moreno, at Leni Robredo nang matanong sa presidential debate ng CNN sa kung anong ahensya ng gobyerno ang dapat maimbestigahan ng una.
Tanging si Sen. Manny Pacquaio ang nagsabi na ang Department of Health (DOH) ang siyang dapat unang maimbestigahan sa issue ng korapsyon.
Hindi dumalo sa naturang debate si ex-senator Ferdinand Marcos Jr.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY