January 24, 2025

Kontrobersiyal na ‘Maid in Malacañang’ malapit nang mapanood sa mga sinehan

Marami ang naintriga at nasabik dahil sa malapit nang mapanood ang most controversial film ng 2022.

Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas, alamin din natin ang bersiyon ng kuwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan. Mapapanood ang MAID IN MALACAÑANG sa lahat ng sinehan simula ngayong Agosto 3, nationwide.

Produced by VIVA Films at mula sa brilliant mind ng pinakapinag-uusapang direktor ngayon na si Darryl Yap, ang MAID IN MALACAÑANG ay isang family drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng Palasyo bago lumipad papuntang Hawaii noong 1986 People Power Revolution. Tunklasin ang bersiyon ng world event na ito base sa eyewitness account ng isang “reliable source.”

Panahon na para ang mga Marcos naman ang magkuwento ng totong mga nangyari sa kanilang pamilya sa mga huling araw nila sa Palasyo, kuwentong ngayon pa lang maririnig at malalaman ng lahat. May ipapakilala ring mga karakter at ibinahaging story line ang pelikula na magpapakita kung papaanong katulad din ng ibang pamilyang Filipino,na may dose family ties, ang Pamilya Marcos.

Trending na ang pelikula bago pa man ito maging officially greenlit for production. Nakatanggap na rin ito ng mainit na pagtanggap sa social media matpaos ibahagi ng direktor ang ideya sa kainite ng 2022 National Election.

Ang kuwento ng MAID IN MALACAÑANG ay walang gustong baguhin sa kasaysayan, ibabahagi lang nito ang buong katotohanan.

Ang pelikula ay mula sa direkyon at panulat ng malikhang si Darryl Yap, ang direktor sa likod ng Vincentiments at iba Vivamax Originals tulad ng Paglaki Ko, Gurso Kong Maging Pornstar, Reverginized, Gluta at Ang Babaeng Walang Pakiramdam at ang blockbuster hit na Jowable.

Bibida sa pelikula ang ilan sa pinakamagagaling at hinahanggang artista sa bansa na sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Bida rin ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz na gaganap namang bilang mga anak – sina Imee, Bongbong at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Eleizabeth Oropesa at Beverly Salvejo.