HINDI bababa sa 40 na indibidwal ng Philippine Health Insurance Corporation ang sangkot sa pagbulsa ng mga premium collection mula sa mga migranteng manggagawa.
Ito ang ibinunyag ng dating senior specialist ng PhilHealth na si Ken Sarmiento habang idinidetalye kung paano umano kumikilos ang ‘mafia’ sa naturang ahensiya.
Ayon kay Sarmiento, napupunta lamang sa bulsa ng mga korap na opisyal ang binabayarang kontribusyon ng mahigit sa 7,000 overseas Filipino workers (OFWs) imbes na sa kaban ng PhilHealth.
“We learned that 7,257 OFWs hindi napaghulugan ng premiums… Hindi po natanggap ng PhilHealth ‘yung premiums nila,” pag-amin niya sa Joint inquiry ng House committees on Public Accounts and Good Government and Public Accountability.
Sinabi ng dating auditor na kanyang natuklasan ang dalawang modus kung papaano pinapatakbo ng 40 indibidwal ang ahensiya.
“Napansin po namin dalawang modus: retail fraud na isa isang binibigyan ng resibo ang OFW, at isa pang level ay wholesale na may involvement na ang hiring agency,” wika niya.
“Mayroon po talagang sindikato,” dagdag niya,
Ibinunyag ni Sarmiento na ang control number ng pekeng resibo ay galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng tinatawag na “sharing scheme.”
“Mayroon pong nagre-recruit sa kanila para i-distribute ‘yung fake receipts sa OFWs at ‘yung hatiaan, out of the P2,400, P900 ‘yung mapupunta sa marketer na gumagawa ng fake receipts. ‘Yung liaison officer, they receive P1,500. We know who they are and we know more or less ‘yung structure nila,” saad niya.
Inamin din ni Sarmiento na siya at ang kanyang boss ay tinanggal sa puwesto nang iparating niya sa pamunuan ang nasabing modus.
“After 3 to 4 years po of fact-finding, walang report sa Ad Hoc Committee, walang napakulong o na-apprehend, walang action sa 16 affidavit complaints. Ang nagawa lang nilang akysyon ay na-persecute ‘yung dalawa. Natanggal po ako at ang boss ko sa aming posisyon.”
Bagama’t nilinaw ni PhilHealth senior vice president Dennis Mas na muli silang na-reassign. “As regards sa personal action sa kanya, reassignment po ang tawag dun.”
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY