Nilinis ng Quezon City Police District ang pangalan ng isang konsehal na umano’y lumabag sa health protocol matapos matukoy na maayos itong nakipagkoordinasyon sa kinauukulang ahensiya para sa kanyang inorganisa na community pantry sa Barangay Old Balara nitong nakaraang linggo.
Sa ipinadalang report ng Batasan Police Station 6, nakasaad dito na nakipag-ugnayan si Quezon City Councilor Franz Pumaren sa QCPD, Batasan Police Station 6 at sa tanggapan kay Old Balara chairman Allan Franz para matiyak na maipatutupad ang COVID-19 health protocol sa event.
Mahigit sa 90 katao, kabilang ang 11 pulis at 50 staff mula sa tanggapan ni Pumaren, ang idineploy sa isinagwang food distribution activity noong Martes.
Umabot sa 6,000 residente ng barangay ang pumila sa charity event.
Sa gitna ng dami ng bilang ng tao, iginiit ng QCPD mahigpit na ipinatupad ang pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.
“Considering the number of persons in the area, it would seem like there was a violation of social distancing if pictures or videos were taken,” ayon sa report. “However, if there were violators, they were immediately accosted and informed of their violation.”
Naging maayos at mapayapa ang nasabing community pantry noong Martes ng gabi. Dagdag pa ng QCPD wala namang naiulat na health incidents o anumang problema.
Matatandaan na ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte noong Miyekoles kay Pumaren na ipaliwanag ang mga akusasyon.
“The move is consistent with the city government’s policy of going after violators of established health and safety protocols as well as to hold them accountable for their actions, regardless of status or position,” ayon sa pamahalaang lungsod.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE