December 24, 2024

KONSEHAL ALEX MANGASAR HATID ANG PANIBAGONG PAG-ASA (Namahagi ng libreng tinapay at palaman sa mga residente ng Barangay 28 sa Caloocan)

ISANG kahanga-hangang konsehal ang nakuhanan ng larawan habang namamahagi ng tinapay at palaman sa mga residente ng Barangay 28 sa Caloocan City.

Sa Facebook post ni Vhic Rivamonte, makikita si Councilor Alex Mangasar na personal na inabot ang naturang tinapay at palaman sa isang batang paslit habang  nasa labas ng kanilang barong-barong na bahay.


Ayon kay Rivamonte, nagbigay ng pag-asa sa isang bagong umagang magpatuloy sa buhay ang ginawang pagtulong na ito ni Konsehal Mangasar upang muling harapin ang bagong araw na puno ng suliranin dulot ng pandemya.

Dagdag pa nito, ginawa naturang konsehal ang lahat para matulungan ang ilan nating kababayan sa abot ng kanyang makakaya.

“Kaunti man ngunit nagbibigay ng dahilan upang magpatuloy sa araw-araw, at muling gumising at katukin ng biyaya sa pamamagitan ni  Councilor Alex V. Mangasar,” mababasa sa post ni Rivamonte.