
MALAKI ang tiwala ni Navotas City Congressman Toby Tiangco na magiging mabilis at magmumura na ang bayad sa internet sa bansa sa ilalim ng Konektadong Pinoy Act (KPA).
“Hindi uunlad ang ating ekonomiya kung mabagal ang internet sa bansa. This law will not only make connectivity faster, but it will also help level the playing field for businesses across the country,” pahayag ni Tiangco na siya ring Chairman ng House Information and Communications Technology (ICT).
Ayon sa Navotas solon, hindi pagkakaloob ng espesyal na pribilehiyo sa mga bagong kompanya ang KPA kundi tinitiyak nito na lahat ng Pilipino, lalu na ang mga nasa liblib na lugar, ay magkakaroon din ng mabilis, maaasahan,at murang internet, bukod sa malulutas din ng batas ang alalahanin sa cybersecurity.
Aniya, ang batas na ito ay magdudulot din ng malusog na kompetisyon at makakaakit ng pagbabahagi ng imprastrakturea na isa ring hakbang upang bumaba ang babayaran sa internet ng mga consumers.
Sigurado rin aniyang madadagdagan ang mga internet service providers (ISPs) at mararating ang geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) na sa kasalukuyan ay umaabot sa 7,063 sa buong bansa.
“Ang reklamo ng marami, mahal pero sobrang bagal ng internet connection lalo na sa mga kanayunan. This law will open the doors to tremendous opportunities, especially as more government services are now being offered online,” pagtiyak ng kongresista.
More Stories
EJ Obiena muling nabigo sa podium matapos ang ika-7 pwesto sa Diamond League sa Sweden
E-Gov. Act, magpapabilis sa proseso sa pamahalaan
MARCOS SA GABINETE: SIGURADUHING MAAYOS, LIGTAS AT KUMPLETO ANG LAHAT NG ESKWELAHAN