December 24, 2024

Isang compound sa Valenzuela City, 16 na araw naka-lockdown

Nagsimula nakaninang umaga ang 16-araw na lockdown sa Bagong Kaunlaran compound sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City matapos na halos 50% ng mga residente na nagpa-swab test ay nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, sinimulan ang lockdown kaninang alas 12:00 ng madaling araw na tatagal hanggang 11:59 ng gabi ng Agosto 9 ang pagpapatupad nito.

Pagmumultahin ng P10,000 o pagkakakulong ng hindi lagpas sa 30 araw ang mga susuway, nakasaad sa COVID-19 spread prevention ordinance ng Valenzuela City; o P5,000, ayon naman sa stay at home ordinance ng lungsod.

Tiniyak naman ni Gatchalian sa mga apektadong pamilya na ang koneksyon ng tubig at kuryente nila ay hindi mapuputol kahit hindi sila makabayad sa panahon ng lockdown dahil nakipag-usap na umano ang pamahalaang lungsod sa mga provider.

Magkakaroon ng medical command post at padala station kung saan puwedeng mag-iwan ng pagkain at mga pangangailangan ang mga kaanak ng mga apektado.

Kasabay nito, mamamahagi rin ng ayudang pagkain, gamot at tubig ang pamahalaang lungsod na ipadadala sa mga bahay-bahay para sa 530 pamilyang apektado ng lockdown.

Umakyat na sa 46 ang namatay dahil sa COVID-19 sa lungsod, ayon sa City Health Office- City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), at nasa 1,569 na ang confirmed cases, 960 ang active cases at 563 na ang gumaling.

Isaiilalim sa 16-araw na lockdown Bagong Kaunlaran compound sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City mula Hulyo 25 matapos na halos 50% ng mga residente na nagpa-swab test ay nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, simula 12:00 ng madaling araw ng Hulyo 25 hanggang 11:59 ng gabi ng Agosto 9 ay ipatutupad ang unang lockdown sa lungsod.

Walang papayagang makapag-labas masok sa lugar sa loob ng 16 na araw ng lockdown.

Pagmumultahin ng P10,000 o pagkakakulong ng hindi lagpas sa 30 araw ang mga susuway, nakasaad sa COVID-19 spread prevention ordinance ng Valenzuela City; o P5,000, ayon naman sa stay at home ordinance ng lungsod.

Tiniyak naman ni Gatchalian sa mga apektadong pamilya na ang koneksyon ng tubig at kuryente nila ay hindi mapuputol kahit hindi sila makabayad sa panahon ng lockdown dahil nakipag-usap na umano ang pamahalaang lungsod sa mga provider.

Magkakaroon ng medical command post at padala station kung saan puwedeng mag-iwan ng pagkain at mga pangangailangan ang mga kaanak ng mga apektado.

Kasabay nito, mamamahagi rin ng ayudang pagkain, gamot at tubig ang pamahalaang lungsod na ipadadala sa mga bahay-bahay para sa 530 pamilyang apektado ng lockdown. Umakyat na sa 46 ang namatay dahil sa COVID-19 sa lungsod, ayon sa City Health Office- City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), at nasa 1,569 na ang confirmed cases, 960 ang active cases at 563 na ang gumaling.