September 20, 2024

KOMEDYANTENG SI MAHAL PUMANAW NA, 46

Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ng komendyanteng si Mahal o mas kilala sa totoong buhay bilang Noeme Tesorero.

Pumanaw siya sa edad na 46.

Kinumpirma ng komedyante at matalik niyang kaibigan na si Brenda Mage ang paglisan ni Mahal sa kanyang Facebook page.

“Ang dami dami mong napasaya sa napaka genuine mong pagkatao Mahal ka ng lahat… Mahal ka namin MAHAL…. pahinga na aming Munting MAHAL,” mababasa sa post ng komedyante.

Si Mahal ay nakilalang TV actress, host at komedyante noong dekada 90 at early 2000s.

Bukod sa pagganap sa isa sa mga minahal na aliens sa bansa na Kokey noong 1997, naging bahagi rin siya ng daily noontime show ng ABS-CBN na Magandang Tanghali Bayan o MTB.

Kamakailan lang din, ay naging celebrity vlogger si Mahal sa YouTube na may mahigit 500,000 subscribers.

Kabilang sa kamakailan lang niyang video, nang bisitahin nito ang kanyang long-time on-screen partner na si Mura – na humakot sa mahigit 1,700,000 views habang isinusulat ang balitang ito.

Among her most recent videos, she was filmed visiting her long-time on-screen partner Mura – which garnered more than 1,700,000 views as of this writing.