PUMANAW ang komedyanteng si Kim Idol sa edad na 41, ilang araw matapos mag-collapse sa loob ng Philippine Arena kung saan siya nagboluntaryong maging frontliner.
Ilang araw ding na-confine si Kim sa ospital matapos maputukan ng ugat sa ulo. Matagal na siyang may AVM o brain arteriovenous malformation.
Ang kanyang kaibigan na si Allan K ang nagkumpirma na nakakagimbal na balita sa social media.
“You were one of the best talents Klownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage,” ayon kay Allan K.
“You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy. Rest in peace, Kim Idol. We will miss you,” post pa niya.
Nakikilala si Kim dahil sa galing niyang i-impersonate si Senator Leila de Lima.
Bago tuluyang mamaalam, isa si Kim Idol sa mga frontliners ng Bureau of Quarantine na pinarangalan dahil sa kanilang kabayanihan sa panahon ng health crisis.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA