Interesado aniyang maglaro sa Gilas Pilipinas si Kobe Paras. Katunayan, ipinakita ng UP Fighting Maroons star ang kanyang sapatos na gagamitin sa game.
Ayon sa bali-balita, magiging parte ng Gilas Pool ang 23-anyos na 6’6 cager. Ikakasa ang bubble set-up ng laro kung saan sasalang ang Gilas.
Ito ay gagawin sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna sa November.Kung mangyayari, makakasama nito sa pool sina Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto at Isaac Go.
Kaugnay dito, tutulak ang Gilas sa susunod na buwan sa Bahrain upang sumagupa sa Group A,
Makahaharap nila kontra sa Korea, Thailand at Indonesia para sa second window ng qualifiers.
Hawak ng Pilipinas ang 1-0 win-loss record sa pool matapos talunin Indonesia sa Jakarta, 100-70 noong February.
Inihayag naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na wala pa silang clearance mula sa IATF Emerging Infectious Diseases. Na payagan ang Gilas na mag-ensayo sa pagsali sa November window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT