Hindi makalalaro para sa Gilas PIlipinas 8.0 si Kobe Paras para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup.
Ito ay kinumpirma ni Tab Baldwin, program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Aniya, may health problem ang 6-6 forward na player ng UP Fighting Maroons.
Hindi sinabi ng SBP kung anong medical issue meron si Paras.
“There’s a medical issue on Kobe,” ayon kay Baldwin.
Maliban kay Kobe, hindi rin makalalaro si Bobby Ray Parks Jr. ito ay dahil sa calf injury. Nakuha ito ni Parks noong PBA bubble.
Nasa proseso pa ng rehalibilitation sa kanyang injury si Parks. Ito ang sinabi ni TNT Tropang Giga physical therapist Dexter Aseron.
Bukod kay Paras, hindi rin makakasama sa pool si Ray Parks Jr dahil sa natamo nitong calf injury noong nakaraang PBA Philippine Cup bubble.
Ayon kay TnT Tropang Giga physical therapist Dexter Aseron, nasa proseso pa ng rehabilitasyon ng kanyang injury.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo