Muling nalampasan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga revenue achievements nito makaraang magtala ang ahensya ng kabuuang kitang P36.21 bilyon sa unang kalahati ng 2023.
Ito ay mas mataas ng 35.64 porsyento kumpara sa P26.70 bilyong kita ng ahensiya sa unang semestre ng 2022.
Ang kinita ng PAGCOR sa unang anim na buwan ng taon ay kulang lamang ng P2.59 bilyon o 6.68 porsyento para matapatan ang kinita nitong P38.81 bilyon bago mag-pandemya noong 2019.
Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, dahil sa patuloy na pag-angat ng kita ng ahensya, malaki ang posibilidad na maabot o mahigitan pa ng PAGCOR ang pre-pandemic income nito sa pagtatapos ng 2023.
Batay sa January hanggang June revenues ng PAGCOR, ang kinita ng ahensya mula sa gaming operations at regulatory fees mula sa licensees – na umabot ng P34.12 bilyon – ay nanatiling pinakamalaking tagapag-ambag sa kapansin-pansin nitong revenue performance. Ang naturang halaga ay 38.03 porsyentong mas mataas kaysa P24.72 bilyong kinita ng ahensya sa nagdaang taon.
Ang mas mataas na kita ng PAGCOR mula sa gaming operations sa unang kalahati ng taon ay bunsod ng pag-angat sa total industry gross gaming revenue (GGR) ng ahensya. Mula sa first semester record na P91.72 billion noong 2022, ang January to June GGR ng PAGCOR ngayong 2023 ay pumalo ng P136.37 bilyon – 48.68 porsyentong mas mataas kaysa naitalang kita sa kaparehong panahon noong nagdaang taon.
Dagdag pa ng PAGCOR chief, bilang isa sa mga pinakamalaking tagapag-ambag sa kaban ng pamahalaan, ang ahensya ay hindi umaasa sa anumang budget mula sa gobyerno.
Samantala, dahil sa malaking kita ng PAGCOR sa unang kalahati ng taon, umangat din ng 48.50 porsyento ang ambag nito sa nation-building – mula P15.23 bilyon sa first half ng 2022 tungo sa P22.62 bilyon ngayong taon. Sa P22.62 bilyong ambag ng ahensya sa nation-building, P16.20 bilyon ang direktang napunta sa National Treasury bilang 50 porsyentong government share. Ang 50 porsyento naman ng first semester remittances ng PAGCOR sa pambansang kaban o P8 bilyon ay ililipat sa Philippine Health Insurance Corporation upang pondohan ang Universal Healthcare benefits.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO