POPOKUS muna sa individual competitions sa countryside si businessman/ sports patron Erick Kirong na kilalang basketball enthusiast sa Metro Manila partikular sa panahon ngayon ng marubdob na pakikibaka sa pandemya ng National Capital Region at kanugnog na probinsiya.
” Tuloy ang aking adbokasiya sa larangan ng sports para sa mga kabataan pati na rin sa adults in this challenging time na ilalarga ng inyong lingkod sa countryside.Pokus muna tayo sa individual sports,” sambit ni Kirong sa panayam via messenger.
” Mahigpit pa sa team sport tulad ng basketball dahilan sa panibagong wave ng corona virus sa Kamaynilaan”.
Kamakailan ay idinaos ni Kirong ang matagumpay na 1st Sergio V.Kirong 8-Ball Billiards Championship na nilahukan ng mga pambatong bilyarista sa lalawigan ng Batangas at karatig na sumargo sa Casa Adela, Bgy. Cumba sa Lungsod ng Lipa.
Tagumpay ang isang araw na torneong pinagharian ng local pool idol na si Nomer Panganiban.
” Successful ang Sergio V.Kirong Cup .Congrats sa kampeon , sa lahat nang lumahok at salamat sa mga sumaksing billiards fans na sumunod din sa ipinatutupad ng kinauukulang health protocol para sa kapakanan ng lahat.” ayon pa sa commercial basketball team owner ng multi- titled na MACWAY Basketball sa Metro Manila. ( Ang MACWAY ay isa sa mina ng magagaling na basketball players kung saan ang iba ay pinapalad na makalaro sa big time league na PBA at ang sumisikat na MPBL.
“Masusundan agad ito ng isa pang torneo na 9- Ball championship naman.”
Tutuklas tayo dito ng mga future Bata Reyes, Django Bustamante , Amang Parica at iba pang Pinoy billiards icons na naghasik ng galing sa buong mundo.
Ipinahayag din ni Kirong ang pag-organisa ng isa pang sikat na individual precision sport na Darts sa susunod na buwan ng Mayo.
Gayundin ang iba pang mga larong tau-tao lang tulad ng lawn tennis , table tennis,running, cycling , chess at iba pang mind games maging ang larangan ng swimming ay kinukunsidera rin sa malawak na vision nito para sa mga kabataan.
” Dahil sa na- limita ang kilos ng mga kabataang pati ang pag-aaral ay natengga dahil sa pandemya, kailangan nila ng alternatibong aktibidad tulad ng involvement sa larangan ng sports lalo na sa ating mga countryside. Natutulungan na natin silang makahulagpos sa tanikala ng krisis- pangkalusugan, makakatuklas pa tayo ng potensiyal na kabataang mga – excell sa larangan bukod sa basketball at iba pang team sports, “ani pa Kirong.
Mapalad ang ating mga kababayan sa Batangas sa pagkakaroon ng isang may malasakit na anak ng lalawigan na si Kirong upang bumandera sa palakasan ang ating mga kabayang kabataan.Ala eh..ABANGAN!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino