Nalalapit na ang araw ng State of the Nation Adress (SONA) ng Pangulong Duterte, mga Cabalen.
Sa araw na iyon, Hulyo 27, iuulat ng Pangulo ang mga accomplishments ng kanyang administrasyon.
Iyon ang kanyang ikalimang SONA sapol nang manungkulan siya noong 2016.
Gayundin ang mga susunod na programa’t plano para sa bayan.
Siyempre, hindi mawawala ang kilos-protesta at rally kapag may SONA.
Kaugnay dito mga Cabalen, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na huwag pagbawalan ang gayung aktibidad.
Aniya, kahit may banta pa ng COVID-19, go lang. Naku po!
Aniya, tradisyon na raw kasi ang kilos-protesta kapag may SONA.
Ibig sabihin, bibigyan niya ng permit ang mga grupong magsasagawa nito.
Giit niya, may koordinasyon naman sa PNP para maiwasan ang komusyon.
Ang tanong mga Cabalen, may punto ba rito ang mayor?
Natural na gagamitin ngmga raliyista ang ‘freedom park’, kung saan pwedeng magprotesta kahit walang permit.
Ito ay pinapagayan sa Batas Pambansa (BP) 880.
Gayung humaharap tayo sa hamon ng COVID-19, nasa lugar pa ba ang mga ginagawang rally?
Maipapatupad kaya ng mga ito ang ‘social distancing’? Iniiisip ba nila ang peligrong pwedengidulot ng hindi napapanahong pagtitipon?
Gayunman, hindi naman binabawalan ang mga magpoprotesta. Basta, gagawin lang nila ang tama.
Payo nga ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa, mas mainam kung idadaan na lang sa online ang protesta.
Hindi aniya akmaang magsagawa nito lalo na’t nag-iingat ang sambayanan sa Coronavirus.
Kung kaya, hindi natin garantisadong 100 porsiyentong ligtasang mga gagawing pagtitipon, lalo na’t sa publiko ito gagawin.
Kayo ang tatanungin ko mga Cabalen, nararapat bang magsagawa ng rally sa publikong lugar ngayon?
Sa Batasang Pambansa?
Hanggang sa muli,mga Cabalen.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA