November 24, 2024

“KILO/S KYUSI: KILO STORE NG BAYAN, TULONG PARA SA KINABUKASAN” INILUNSAD

Photo courtesy: Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department/FB page

Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang “Kilo/s Kyusi: Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan” ngayong araw sa Quezon City Hall.

Tampok rito ang pre-loved at brand new items na ang iba ay ibebenta ng kada kilo. Ilan sa mga mabibili rito ang formal gowns, locally designed Filipiniana gowns, homeware, bags, at iba pa.

Pinangasiwaan ang naturang aktibidad ng Office of the City Mayor, Quezon City Council, Small Business and Cooperatives Development Department (SBCDPO) at Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).

Ang kikitain ng bazaar ay mapupunta sa Quezon City Learning Recovery Fund na siyang gagamitin para sa learning recovery programs sa pampublikong paaralan sa QC.

Partikular dito ang para sa tutoring program ng mga kabataang estudyante sa lungsod.

Bukod dito, hinikayat ng alkalde ang publiko na tangkilikin ang programa na nagtutulak din ng pag-reuse sa textile upang mabawasan ang problema ng polusyon.

Bukas ang Kilo/S Kyusi Kilos Store hanggang sa Biyernes, July 21 mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.