January 24, 2025

KILALANIN SI RUSSIAN PRESIDENT VLADIMIR PUTIN

Gaano ba natin kakilala si Russian President Vladimir Putin? Na iginigisa ngayon ng U.S. UN , E.U at NATO dahil sa ‘Russian Invasion nito sa Ukraine?


Si Putin ay 69-anyos na sa ngayon at siyang pinaka-longest serving Russian leader. Mahigit sa 20 taon na siyang namumuno sa Russia.


Laki siya sa hirap. Ikinasal ang kanyang parents sa edad na 17. Noong World War II, na-injured ang kanyang ama. Naparalisa ito dahil sa pagsabog ng granada noong ‘Siege o Leningrad’. Na-trapped ang kanyang ina at halos mamatay ito sa gutom. Namatay ang kanyang dalawang kapatid na sina Viktor at Albert.

Pagkatapos ng giyera, namasukan ang kanyang tatay sa pabrika. Ang kanyang ina naman ay tagawalis ng kalsada at naglilinis ng test tubes. Tumira sila sa communal apartment kasama ang ilang pamilya. Kung saan, maraming daga ang kaniang tinutuluyan.

Nagsanay siya ng judo sa edad na 11. Noong siya 14-anyos na, nagsanay siya ng sambo o Russian martial art. nanalo siya ng ilang kompetisyon sa Leningrad na ngayot St. Petersburg. Noong 2012, pinarangalan siya bilang eight dan ( martial arts ranking system) black belter. Na kauna-unahang natanggap ng isang Russian. Nagsulat din siya ng mga libro kaugnay sa nasabing mga palakasan. Ito ay ang : Vladimir Putin in Russian, and Judo: History, Theory, Practice in English.


Noong siya’y makapagtapos ng law, sumali si Putin sa KGB at naisalang sa administrative position. Nag-aral siya sa Moscow sa KGB’s foreign intelligence institute. Dito ay gumamit siya ng pseudonym na ” Platov’. Nagsilbi siya sa KGB ng 15 taon at nakapaglakbay sa buong Russia. Noong 1985, ipinadala siya sa Dresden sa East Germany. Tumaas ang ranggo niya sa KGB at naging lieutenant colonel.


Matapos ang kanyang karera sa KGB, p ansamantala siyang humawak ng posisyon sa Leningrad State University bago lumusong sa pulitika. Noong 1994, nakuha niya ang titulong Deputy Mayor sa ilalim ng Anatoly Sobchak. nang magtapos ang kanyang termino bilang mayor, lumipat siya sa Moscow at sumapi sa presidential staff. Kung saan, nagsimula siya bilang Deputy Head of Management noong 1998. Pagkatapos ay naging head ng Federal Security Service. Noong 1999, nailuklok siya bilang Prime Minister.


Bago magtaong 2000, nagretiro si President Boris Yeltsin at in-appointed si Putin bilang Acting President. Ito’y sa kabila na naghahanda ang mga katunggali ni Yeltsin sa eleksyon. Nagwagi si Putin sa first round na may 53% ng boto noong Marso 2000. Nanumpa siya bilang Pangulo noong May 7, 2000.

Noong 2007, nagtungo sa Russia ang British photographer na si Platon, upang kunan ng larawan si Putin para sa Time Magazine’s ‘Person of the Year’ edition. Sa isang senaryo na sila’y nag-uusap, nasabi ng potog na fan siya ng Beatles. Sinabi ni Putin na: ‘I love the Beatles’ at ang paborito niyang kanta ng grupo ay ” Yesterday’.

Mayroon siyang pagkalaki-laking bahay na parang palasyo. Tinatawag itong ‘ Putin’s Palace’ na isang Italianate palace complex sa coast ng Black Sea sa Krasnodar Krai, Russia. May lawak itong nasa 18,000 squared meters. Makikita sa labas nito ang arboretum, greenhouse, helipad, ice palace, church, amphitheatre, guest house, fuel station, 80-metre bridge, at ang special tunnel sa loob ng bundok na may kuwarto sa loob.


Makikita naman sa loob ng palasyo ang swimming pool, spa, saunas, Turkish baths, shops, warehouse, reading room, music lounge, hookah bar, theatre at cinema, wine cellar, casino na may 12 guest bedrooms. Ang master bedroom ay may sukat na 260 m² . Ang kabuuang gugol sa pagpapagawa nito ay tinatayang nasa 100 billion rubles ($1.35 billion).

Noong 1983, pinakasalan niya si Lyudmila Shkrebneva.Kung saan, nagkaanak siya rito ng dalawang babae na sina Maria at Katerina.Inulat ng foreign tabloids na mayroong isang anak si Putin sa isang former rhythmic gymnastics champion turned lawmaker.Pinasinungalingan naman ito ni Putin.
Noong 2013, inanunsiyo ng mag-asawa ang kanilang paghihiwalay. Ang dahilan, hindi na kasi sila gaanong nagkikita.

Na-nominated siya sa Nobel Peace Prize ng 2 beses. Ito ay dahil sa kanyang paghikayat kay Assad upang isuko ang armas ng Syria sa mapayapang paraan. Dahil sa kanyang pakikipagkaibigan sa presidente ng Syria na si Bashar al-Assad; nakuha niya ang nominasyon noong 2014. Nangyari uli ito noong 2021 at hindi nanggaling sa Kremlin ang nominasyon. Kundi, isinumite ito ng controversial Russian writer at public figure na si Sergev Komkov.

Mahilig din siyang mag-alaga ng mga hayop. Katunayan, marami siyang pet dogs. Gusto niya ring kinukuhanan siya ng litrato kasam ng iba’t-ibang hayop. Kabilang na rito ang mga aso, kabayo, oso at tigre. Taga-sagip sin diya ng endangered species gaya ng Sibirean cranes at Siberian bear.