NAPILI ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rear Admiral Adelius Bordado bilang susunod na kumander ng Philippine Navy.
Siya ang mangunguna para protektahan ang interes ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.
Sinabi ni Bordado na kanyang itutulak ang isang “modern at multi-capable” na Philippine Navy na maaring tumugon sa mga pangangailangan ng isang archipelagic nation tulad ng Pilipinas.
Kanya ring ipagpapatuloy ang mga magagandang proyekto at programa ng kanyang papalitan na si Vice Admiral Giovani Carlo Bacordo at sinabi na magkakaroon ng ilang pagbabago.
Epektibo ngayong araw (Hunyo 9) ang appointment ni Bordado bilang flag officer-in-command ng Navy.
Tinitiyak ng Navy Flag Officer in Command o FOIC, bilang force provider, na sapat ang military assets sa karagatan upang protektahan ang soberanya ng bansa.
Sadyang kailangan ito ngayon dahil sa pambu-bully ng higanteng China na umaangkin sa West Philippine Sea na bahagi ng exclusive economic zone o EEZ ng Pilipinas.
Dapat ipakita ng mama ang kanyang pagiging Bordado laban sa mapang-abusong mga Tsekwa!
Para sa mga hindi nakakakilala kay Bordado, siya ay miyembro ng Philippine Military Academy Maringal Class of 1998 na nagsilbi rin bilang hepe ng Naval Staff at pinamunuan ang Armed Force of the Philippines Education, Training and Doctrine Command.
Sabi ni Armed Forces chief of staff, Gen Cirilito Sobejana, partikular na nakilala itong si Bordado sa field of operations, intelligence, information technology, budget, planning maging sa edukasyon at training. Ayos!
“His assignment is timely as the Navy is “vigorously pursuing its modernization program that includes acquisition programs for surface and sub-surface assets,” saad pa ni Sobejana.
“The wealth of his experience, his well-rounded education and training locally and abroad and his personal attributes make him an excellent choice to lead the Philippine Navy at this time that the AFP faces various internal and external security challenges,” hirit pa ng AFP chief.
Kaya para kay Rear Admiral Adelius Bordado, congrats at good luck, sir!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!