
Naniniwala si vice presidential aspirant at Senator Francis “Kiko” Pangilinan na kaya niya pang talunin ang kanyang karibal na si Davao City Mayor Sara Duterte na patuloy na nangingibabaw sa mga survey bago ang eleksyon.
“Malaki ang ating kinakailangang habulin pero hindi imposible dahil nakita na natin sa nakaraan,” saad niya.
Ang tinutukoy ni Kiko ay ang nangyari sa kanyang running mate na si Vice President Leni Robredo noong 2016 elections kung saan pang-apat lamang ito sa survey ngunit sa huli ay tinalo nito si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Basta pursigido tayo. Sabi nga e, manlilimos tayo ng boto dahil talagang tao-tao ito. Every vote counts, every effort is precious,” dagdag niya.
More Stories
Bagong gawang tulay sa Isabela, gumuho; 6 sugatan
Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet
2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City